I write because no one listens to me when I speak.

Sunday, August 14, 2011

First Move.

Nagpunta kaming sm , nina vien at gjaya . Tapos nandun din sila, ung mga dating Fourth year Students sa school at si ate jackie . E ung isa dun , ex ko. [awch , EX] Hiya nman akong pansinin siya .. Pakiramdam ko ay parang pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sakin nung nagbreak kami ay ganun ganun na lamang ang magiging turing ko sa kanya , na tila Walang nanyari ? Hindi ganun kadali un , para sa akin . May damdamin rin nman akong nssaktan i.

Tapos nagpunta kaming mcdo dahil we're looking for ate jackie , tapos maya maya dumating sila , kinukulbit nia ako .. tapos , snab ko cia , pero nung sunod , pinansin ko na cia , at ngumiti naman ako sa kanya .. pagkatpos non , umalis na kami nina gjaya at vien . pumunta kaming Quantum tapos sa foodcourt . Tanong si ate jackie , kung bakit ko daw hindi kausapin si EX , sabi ko , Wala .. Ayoko lang .

Nagtry nman ako , nagsulat ako ng "Hello =) - kim" , tapos wala man lang bumalik sa akin kahit isang tuldok lang . Tapos kanina lang sa chat , sabi ko "..." , ang reply lang nia ay , "?" .. Anu ba naman yon , hindi na makatarungan . Gustong kakausapin siya , pagkatapos rejected lang . Bakit ba ganun !? Ako na nga ung gumawa ng paraan para makausap siya kahit sa ganung mga paraan , ako pa rin ung nauuwi sa wala . Pahiya lang ako . x'((

Tapos nung habang naglalakad kami, napapaisip na rin ako na .. Ano nga ba ung nararamdaman ko ? Pakiramdam ko talga ay parang nagagalit ako sa kanya , dahil nagmamarka sa isipan ko ung binitawan niyang salita sa akin .. na , "Sorry,pero di na kita kayang Ipaglaban" . Sino bang tao ang hindi mssaktan sa mga salitang yon , manhid na lamang siguro . Parang , kung bbigyan ko pa cia kung saka sakali ng isa pang pagkkataon , hindi na lang . Masakit ang sabhan ka ng ganyang mga salita galing sa taong minahal mo ng tunay at sobra sobra.

Oo , aaminin kong mahal ko pa siya .. Pero , hindi ko na kaya , ako na lamang ang napapahiya sa mga ginagawa ko . Masakit . Hindi ko kaya . Grabe , mssabi kong ayaw ko na.