I write because no one listens to me when I speak.

Monday, July 25, 2011

EPIC

Puso Ko'y hindi napigilan ,
Mahalin Ka ng lubusan .
Sa mga panahong Tayo'y nasa kaayusan ,
Kabaligtaran ng nasasa.kasalukuyan .

Naiiyak, napapaisip at natulala ,
Ako, nung Ika'y tuluyang nawala .
Damdamin Ko'y biglang nagulanta ,
Pag-asang dinadala'y nayata .

Sa Iyong biglaang desisyon,
Agad naman Akong sumang-ayon .
Buhay na ito'y hindi na nakaahon ,
Sa mga problemang animo'y malalaking alon .

Puso't isipa'y tuliro ,
Akalang lahat ng ito'y isa lamang biro .
Lubos na hindi matanggap sa sarili ,
Bunga nitong relasyong alam namang tunay na mali .

Ngayo'y hindi na alam ang gagawin ,
Saki'y pagmamahal Mo'y hahanap hanapin .
Tunay na mahirap tanggapin ,
Ngunit puso Ko'y dapat pang suyuin .

Sa mga buwang pinagsamahan ,
Nakasama Ka sa kalungkutan at kasiyahan .
Kay lungkot namang isipin ,
Pagkatapos nito'y isa't isay hindi na kikilalanin .

Paano na ? tanong Ko sa sarili ,
Lumayo Ka'y buhay Ko'y nawalan ng silbi .
Naiiyak na lang at nahihikbi ,
Sa t'wing maaalala Ka't nasa 'sang tabi .

Habang sinusulat Ko tulang ito ,
Bigla Kang nagtext , pagsulat Ko'y napahinto .
Luha Ko'y biglang bumuhos ,
Sakit na nararamdama'y sa puso'y tumagos .

Namimiss Kita ng sobra sobra ,
Hindi na alam , isipa'y napapariwara .
Sa bawat ngiti at yakap mo sinta ,
Sa isipan ko na lamang nadarama't nakikita .

Pilit Ka mang kalimutan ,
Ngunit puso'y di magawa at ito'y nssaktan .
'Di kayang itigil Aking kahibangan ,
Dahil mahal na mahal kitang lubusan .

Sana'y makita Ka naman ,
Kahit paminsan minsan .
At kay tagal na Kitang hindi namamasdan ,
Sana'y matupad itong Aking kahilingan .

Bago Ko man tapusin tulang ito ,
Gusto Ko lamang ipabatid at sabihin sa'yo ,
Kahit Ako'y ganitong sintu-sinto ,
Pagmamahal Ko sayo'y naging totoo .



- Kimberly Julio
Julu 19,2011
9:10 pm